CCP Important Documents/CCP Constitution

CPP CONSTITUTION

SALIGANG BATAS NG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS

PREAMBULO

Ang pagsasanib ng unibersal na katotohanan ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung sa kongkretong praktika ng rebolusyong Pilipino ang kataas-taasang tungkulin ng Partido Komunista ng Pilipinas.

Ang Partido Komunista ng Pilipinas ay isang rebolusyonaryong partidong proletaryo na humahango ng aral mula sa lahat ng nakaraang rebolusyonaryong pakikibaka ng sambayanang Pilipino at mula sa mga dakilang aral nina Marx, Engels, Stalin at Mao Tsetung. Umaagapay ito sa pagsulong ng teorya at praktika sa pandaigdigang rebolusyong proletaryo na pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung.

Ang Partido Komunista ng Pilipinas ay matatag na sumasalungat sa makabagong rebisyonismo at sa lahat ng tunguhin ng subhetibismo, oportunismong Kanan o "Kaliwa", liberalismo at sektarismo na siyang dapat maging target ng walang humpay na pagwawasto at rebolusyonaryong pagmamatyag.

Ang Partido ay puspusang nakikibaka upang maging pinakasulong na destakamento at pangunahing kasangkapan ng uring manggagawang Pilipino, magtataguyod sa rebolusyonaryong pamumunong proletaryo, sa kasalukuyang yugto ng demokratikong rebolusyon ng bayan laban sa dalawang pangunahing kaaway, ang imperyalismong Amerikano at peudalismo, at sa susunod na yugto ng rebolusyong sosyalista.

Ang Partido ay laging nagsisikap na paunlarin ang pinakamalalim na ugnayan sa masang manggagawa at magsasaka sa buong kapuluan. Ginagamit nito ang pagpuna at pagpuna sa sarili upang mapanatili ang tumpak na paninindigang makauri at estilo ng paggawa.

Upang magapi ang mga imperyalistang Amerikano, ang malaking burgesiang komprador, ang mga panginoong maylupa at ang mga burukratang kapitalista, ginagamit ng Partido ang mga sandata ng matagalang digmang bayan at pambansang nagkakaisang prente. Itinataguyod ng Partido ang pamumuno ng uring manggagawa, itinatayo ang batayang alyansa ng uring manggagawa at uring magsasaka, at inaakit din ang petiburgesiang lunsod at makabayang pambansang burgesia sa panig ng demokratikong rebolusyong bayan.

Sa paglulunsad ng digmang bayan, ang Partido ay pangunahing umaasa sa suportang pangmasa ng uring magsasaka, lalo na ang mga maralitang magsasaka at manggagawang bukid. Pinauunlad ng Partido ang rebolusyonaryong pwersa sa kanayunan upang durugin ang mga haligi ng peudalismo at ang sandatahang kontrarebolusyon doon at paligiran ang mga lunsod mula sa mga rebolusyonaryong base hanggang sa handa nang agawin ng demokratikong pwersa ng bayan ang kapangyarihan sa mga lunsod.

Pambansa at internasyunalistang tungkulin ng Partido Komunista ng Pilipinas na ibagsak ang imperyalismong Amerikano, peudalismo at lahat ng katutubong reaksyon. Ang pambansa at panglipunang pagpapalaya sa sambayanang Pilipino ay magpapahina sa mga imperyalista at lahat ng reaksyonaryo sa pandaigdigang saklaw at magpapalakas sa mga kapatid na partido at mamamayan sa sarili nilang makatarungan at maunlad na pakikibaka.

Sa pamamagitan ng magkakatugong pagkilos ayon sa prinsipyo ng proletaryong internasyonalismo at ayon sa patakaran ng pandaigdigang nagkakaisang prente, tiyak na matatamo ang ganap na pagbabagsak sa imperyalismo at ang pandaigdigang tagumpay ng sosyalismo sa panahon ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung. Sandatahan natin ang ating sarili ng di-magagaping Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung!




ARTIKULO I. PANGALAN, WATAWAT AT SAGISAG, AWIT AT SUMPA

Seksyon 1. Ang pangalan ng organisasyong ito ay Partido Komunista ng Pilipinas. Kung kakailanganin, itatangi ng Partido ang sarili sa pangalan at nilalaman mula sa Partido Komunista ng Pilipinas (Pagsasanib ng Partido Sosyalista at Partido Komunista) sa pamamagitan ng pagdurugtong ng pariralang Marxista-Leninista o Kaisipang Mao Tsetung sa loob ng panaklong.

Seksyon 2. Ang watawat at sagisag ng Partido ay kulay pula na may ginto o puting maso at karet sa gitna.

Seksyon 3. Ang awit ng Partido ay ang Internasyunal.

Seksyon 4. Ang sumpa ng Partido ay ang sumusunod:

"Ako, si________, ay nagpapahayag ng aking lubos na pagsang-ayon sa teorya at praktika ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung, sa Programa at Saligang Batas ng Partido Komunista ng Pilipinas at sa lahat ng desisyon ng mga nakatataas na organo ng Partido at ng yunit ng Partidong kinatatalagahan ko.

"Sumusumpa akong tutupdin ang lahat ng tungkulin at pananagutan ko sa abot ng aking makakaya, patataasin ang aking proletaryong rebolusyonaryong kamulatan, paglilingkurang lagi ang sambayanan at magiging malapit sa kanila, ipagtatanggol at ipaglalaban ang kapakanan ng sambayanan, pananatilihing mataas ang dangal at prestihiyo ng Partido, pangangalagaan ang kaligtasan ng Partido at lahat ng kasama ko buhay ko ma'y ialay kung kinakailangan, buong katapatang pupunahin ang mga kamalian at kahinaan ko at ng aking mga kasama upang mapabuti ang paggawa at estilo ng paggawa batay sa tumpak na makauring paninindigan at upang mabuo ang pagkakaisa at lakas, at isusulong ang kapakanan ng Partido at ng masa. Gagamitin ko ang lahat ng pagkakataon upang maipalaganap ang Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung at maipatupad ang proletaryong rebolusyonaryong linya ng Partido."

Ang sumpang ito ay gagawin kapag ang isang tao ay pumapasok sa Partido bilang kandidatong kasapi at kapag ang isang kandidatong kasapi ay tinatanggap bilang ganap na kasapi ng Partido.


ARTIKULO II. PAGSAPI

Seksyon 1. Sinumang mamamayan o naninirahan sa Pilipinas na hindi kukulangin sa 18 taong gulang, naniniwala sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung, sa Programa at Saligang Batas ng Partido at sumasang-ayong kumilos nang buong sigasig sa isa sa mga organisasyon ng Partido, tumupad sa mga desisyon ng Partido at magbayad ng butaw sa pagpasok at regular na buwanang butaw ay maaaring tanggaping kasapi ng Partido.

Seksyon 2. Ang pagsapi sa Partido ay may bisa sa batayang indibidwal lamang at alinsunod sa sumusunod na paraan ng pagsasaayos ng pagtanggap sa mga kasapi:

a. Ang mga manggagawa, manggagawang bukid, maralitang magsasaka, maralitang mangingisda o maralita ng lunsod ay maaaring maging kasapi ng Partido batay sa rekomendasyon ng dalawang kasaping mabuti ang katayuan sa Partido pagkaraang tanggapin ayon sa desisyon ng pulong ng sangay, o tulad ng maaaring mangyari, ng komiteng tagapagpaganap ng sangay, at pagkaraan ng anim na buwang pagiging kandidatong kasapi.

b. Ang mga panggitnang magsasaka, panggitnang mangingisda, manggagawa sa opisina, tagayaring-kamay, maliliit na mangangalakal, intelektwal o propesyonal, estudyante at iba pang bahagi ng petiburgesia ay maaaring maging kasapi ng Partido batay sa rekomendasyon ng dalawang kasaping may di-kukulangin sa isantaong mabuting katayuan sa Partido, matapos tanggapin sa pamamagitan ng desisyon ng komiteng tagapagpaganap ng sangay o grupo ng Partido sa isang organisasyong pangmasa at pagkaraan ng isantaong pagiging kandidatong kasapi.

k. Yaong mga may katayuang panlipunan na bukod sa mga nabanggit sa seksyon a at b ay maaaring maging kasapi batay sa rekomendasyon ng dalawang kasaping may tuluy-tuloy na tatlung-taong mabuting katayuan sa Partido, matapos tanggapin ng komiteng tagapagpaganap ng sangay o grupo ng Partido sa isang organisasyong pangmasa at pagkaraan ng dalawang taong pagiging kandidatong kasapi.

Seksyon 3. Ang bawat kasapi ng Partido na nagrerekomenda ng taong magiging kasapi ng Partido ay magbibigay ng responsable at makatotohanang paglalahad sa Partido tungkol sa ideolohiya, rekord na pampulitika at personal na katangian at kasaysayan ng buhay ng taong kinauukulan. Bibigyan niya ang kanyang inirerekomenda ng sapat na pagkaunawa sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung, sa Programa, Saligang Batas, mga patakaran at desisyon ng Partido. Pormal na sasagutin ng inirerekomenda ang isang pamantayang balangkas ng mga katanungang inihanda ng Partido.

Bago gumawa ng anumang desisyong tumatanggap sa kandidatong kasapi, ang kinauukulang komiteng tagapagpaganap ng sangay o grupo ng Partido ay hihirang ng isang kagawad ng Partido upang gumawa ng pinakamalawak na pakikipagpalitan ng kuru-kuro sa taong nagnanais maging kasapi ng Partido, nang sa gayo'y makilala siya at mapatotohanan ang lahat ng kaukulang impormasyon.

Seksyon 4. Sa mga natatanging kalagayan, ang mga nakatataas na komite ng Partido at mga grupo ng Partido sa mga organisasyong pangmasa ay maaaring tuwirang tumanggap ng bagong kasapi.

Seksyon 5. Ang mga kinauukulang organo ng Partido ay magbibigay sa mga kandidatong kasapi ng saligang edukasyong pampartido hinggil sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung at hinggil sa Programa at Saligang Batas ng Partido, magtatakda ng pagsubok sa gawaing pampartido at mamamahala sa kanilang kalidad sa pulitika.
Maaaring pahabain o paikliin ng pulong ng Partido, ng komite ng Partido o ng grupo ng Partido ang panahon ng pagiging kandidato batay sa paggawa at sigasig ng kandidatong kasapi.

Iuurong ang pagiging kandidatong kasapi kung maliwanag na hindi natutugunan ng kandidatong kasapi ang mga pangangailangan sa pagiging kasapi ng Partido.

ARTIKULO III. MGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA KASAPI

Seksyon 1. Ang mga tungkulin ng mga kasapi ng Partido ay ang mga sumusunod:

a. paunlarin ang pagkakaisa at lakas ng Partido sa pamamagitan ng pagtataas sa antas ng kanilang pagkaunawa sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung at sa paggamit ng unibersal na teoryang ito sa mga kongkretong suliranin ng Partido at ng demokratikong rebolusyon ng bayan;

b. ipauna ang kapakanan ng Partido o ang kapakanan ng masa ng sambayanan sa kapakanang pansarili, paglingkuran ang masa ng sambayanan nang walang pasubali, matuto sa kanila at ipaliwanag sa kanila ang mga patakaran at desisyon ng Partido at gawin ang maagap na pag-uulat sa Partido hinggil sa mga pangangailangan at mithiin ng mga mamamayan;

k. bakahin ang makabagong rebisyonismo at lahat ng maling tunguhin ng pag-iisip at pagkilos sa loob ng Partido;

d. sundin ang Saligang Batas at Programa ng Partido;

e. tupdin nang lubusan ang linya ng Partido at lahat ng partikular na tungkuling iniaatas sa kanila;

g. magpakahusay sa kanilang linya ng gawain at maging uliran sa disiplina, masikhay na paggawa, pagpapakumbaba at simpleng pamumuhay sa mga organisasyon ng Partido, organisasyong pangmasa at sa hanay ng mamamayan;

h. gumawa ng pagpuna sa sarili upang maiharap ang mga kamalian at mga kahinaan, taimtim na magsikap na pangibabawan at iwasto ang mga ito at pagbutihin ang kanilang gawaing pampulitika;

i. magtrabaho sa isang partikular na organisasyon ng Partido at laging dumalo sa mga pulong;

l. dumalong lagi sa mga kurso sa pag-aaral at laging magbasa at magpalaganap ng mga lathalain ng Partido;

m. maging tapat sa Partido at maglahad ng lahat ng katibayang kailangan sa pagbubuo ng tumpak na desisyon;

n. maagap na magbayad ng butaw; at

ng. magmatyag sa anumang bagay o pangyayari sa loob o labas ng Partido na ikasasapanganib ng Partido at makibaka sa lahat ng bagay na makapipinsala sa kapakanan ng Partido at ng samabayanan.

Seksyon 2. Ang mga karapatan ng mga kasapi ng Partido ay ang mga sumusunod:

a. malayang lumahok sa mga talakayan sa mga pulong ng Partido hinggil sa mga teoretikal at praktikal na suliranin ukol sa linya, mga patakaran at desisyon ng Partido;
b. maghalal at mahalal sa loob ng Partido;
k. magharap ng mga mungkahi, pahayag o karaingan sa anumang organisasyon o organo ng Partido sa anumang antas;

d. pumuna sa anumang organisasyon,organo o sinumang kasapi ng Partido sa mga pulong ng Partido;

e. magsiyasat sa katangian ng kandidato para sa anumang tungkulin o komite;

g. maghabol sa anumang desisyon sa nakatataas na organo ng Partido hanggang sa Komite Sentral at Pambansang Kongreso; at

h. humiling na dumalo sa anumang pulong na tinawag upang suriin ang kanilang mga katangian, gawain o anumang aksyong pandisiplina na ipapataw sa kanila maliban kung hindi ipinahihintulot alang-alang sa kaligtasan ng Partido.

Seksyon 3. Ang mga tungkulin at karapatan ng mga kandidatong kasapi ay katulad din ng sa mga kasapi ng Partido, maliban sa wala silang karapatang maghalal o mahalal at walang tinig sa paggawa ng desisyon sa loob ng Partido.

Seksyon 4. Ang mga kandidatong kasapi o mga kasapi ng Partido ay malayang magbitiw sa Partido. Ang bawat pagbibitiw ay lubusang ipaliliwanag sa loob ng kinauukulang komite ng Partido.

Seksyon 5. Ang bawat kasapi ng Partido, anuman ang merito at tungkulin, na hindi tumupad sa kanyang mga tungkulin o hindi gumagalang sa mga karapatan ng kanyang mga kasama ay pupunahin at bibigyang-aral. Ang malulubhang paglabag sa mga karapatan at tungkulin ay bibigyan ng karampatang hakbang na pandisiplina.

a. Ang anumang aksyong pandisiplina sa mga kasapi ng Partido ay pagpapasyahan ng sangay o grupo sa organisasyong pangmasa na kinabibilangan nila; ngunit kung ang kaparusahang ipapataw ay pagtitiwalag, kinakailangan ang pahintulot ng kagyat na nakatataas na komite ng Partido.

b. Ang anumang aksyong pandisiplina sa isang kagawad ng komite ng Partido ay pagpapasyahan ng kumperensyang naghalal sa kanya sa gayong katungkulan o ng isang nakatataas ng komite ng Partido.

k. Ang anumang aksyong pandisiplina sa isang kagawad o kandidatong kagawad ng Komite Sentral ay pagpapasyahan ng panlahatang pulong ng Komite Sentral.

Seksyon 6. Ang mga aksyong pandisiplina ay ipapataw alinsunod sa kabigatan ng paglabag sa disiplina ng Partido at ang mga ito ay alinman sa mga sumusunod: babala, mahigpit na babala, pagtanggal mula sa gawaing naunang itinakda, pagbibigay ng pansubok na gawain, suspensyon o pagtitiwalag mula sa Partido.

ARTIKULO III. MGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA KASAPI

Seksyon 1. Ang mga tungkulin ng mga kasapi ng Partido ay ang mga sumusunod:

a. paunlarin ang pagkakaisa at lakas ng Partido sa pamamagitan ng pagtataas sa antas ng kanilang pagkaunawa sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung at sa paggamit ng unibersal na teoryang ito sa mga kongkretong suliranin ng Partido at ng demokratikong rebolusyon ng bayan;

b. ipauna ang kapakanan ng Partido o ang kapakanan ng masa ng sambayanan sa kapakanang pansarili, paglingkuran ang masa ng sambayanan nang walang pasubali, matuto sa kanila at ipaliwanag sa kanila ang mga patakaran at desisyon ng Partido at gawin ang maagap na pag-uulat sa Partido hinggil sa mga pangangailangan at mithiin ng mga mamamayan;

k. bakahin ang makabagong rebisyonismo at lahat ng maling tunguhin ng pag-iisip at pagkilos sa loob ng Partido;

d. sundin ang Saligang Batas at Programa ng Partido;

e. tupdin nang lubusan ang linya ng Partido at lahat ng partikular na tungkuling iniaatas sa kanila;

g. magpakahusay sa kanilang linya ng gawain at maging uliran sa disiplina, masikhay na paggawa, pagpapakumbaba at simpleng pamumuhay sa mga organisasyon ng Partido, organisasyong pangmasa at sa hanay ng mamamayan;

h. gumawa ng pagpuna sa sarili upang maiharap ang mga kamalian at mga kahinaan, taimtim na magsikap na pangibabawan at iwasto ang mga ito at pagbutihin ang kanilang gawaing pampulitika;

i. magtrabaho sa isang partikular na organisasyon ng Partido at laging dumalo sa mga pulong;

l. dumalong lagi sa mga kurso sa pag-aaral at laging magbasa at magpalaganap ng mga lathalain ng Partido;

m. maging tapat sa Partido at maglahad ng lahat ng katibayang kailangan sa pagbubuo ng tumpak na desisyon;

n. maagap na magbayad ng butaw; at

ng. magmatyag sa anumang bagay o pangyayari sa loob o labas ng Partido na ikasasapanganib ng Partido at makibaka sa lahat ng bagay na makapipinsala sa kapakanan ng Partido at ng samabayanan.

Seksyon 2. Ang mga karapatan ng mga kasapi ng Partido ay ang mga sumusunod:

a. malayang lumahok sa mga talakayan sa mga pulong ng Partido hinggil sa mga teoretikal at praktikal na suliranin ukol sa linya, mga patakaran at desisyon ng Partido;

b. maghalal at mahalal sa loob ng Partido;

k. magharap ng mga mungkahi, pahayag o karaingan sa anumang organisasyon o organo ng Partido sa anumang antas;

d. pumuna sa anumang organisasyon,organo o sinumang kasapi ng Partido sa mga pulong ng Partido;

e. magsiyasat sa katangian ng kandidato para sa anumang tungkulin o komite;

g. maghabol sa anumang desisyon sa nakatataas na organo ng Partido hanggang sa Komite Sentral at Pambansang Kongreso; at

h. humiling na dumalo sa anumang pulong na tinawag upang suriin ang kanilang mga katangian, gawain o anumang aksyong pandisiplina na ipapataw sa kanila maliban kung hindi ipinahihintulot alang-alang sa kaligtasan ng Partido.

Seksyon 3. Ang mga tungkulin at karapatan ng mga kandidatong kasapi ay katulad din ng sa mga kasapi ng Partido, maliban sa wala silang karapatang maghalal o mahalal at walang tinig sa paggawa ng desisyon sa loob ng Partido.

Seksyon 4. Ang mga kandidatong kasapi o mga kasapi ng Partido ay malayang magbitiw sa Partido. Ang bawat pagbibitiw ay lubusang ipaliliwanag sa loob ng kinauukulang komite ng Partido.

Seksyon 5. Ang bawat kasapi ng Partido, anuman ang merito at tungkulin, na hindi tumupad sa kanyang mga tungkulin o hindi gumagalang sa mga karapatan ng kanyang mga kasama ay pupunahin at bibigyang-aral. Ang malulubhang paglabag sa mga karapatan at tungkulin ay bibigyan ng karampatang hakbang na pandisiplina.

a. Ang anumang aksyong pandisiplina sa mga kasapi ng Partido ay pagpapasyahan ng sangay o grupo sa organisasyong pangmasa na kinabibilangan nila; ngunit kung ang kaparusahang ipapataw ay pagtitiwalag, kinakailangan ang pahintulot ng kagyat na nakatataas na komite ng Partido.

b. Ang anumang aksyong pandisiplina sa isang kagawad ng komite ng Partido ay pagpapasyahan ng kumperensyang naghalal sa kanya sa gayong katungkulan o ng isang nakatataas ng komite ng Partido.

k. Ang anumang aksyong pandisiplina sa isang kagawad o kandidatong kagawad ng Komite Sentral ay pagpapasyahan ng panlahatang pulong ng Komite Sentral.

Seksyon 6. Ang mga aksyong pandisiplina ay ipapataw alinsunod sa kabigatan ng paglabag sa disiplina ng Partido at ang mga ito ay alinman sa mga sumusunod: babala, mahigpit na babala, pagtanggal mula sa gawaing naunang itinakda, pagbibigay ng pansubok na gawain, suspensyon o pagtitiwalag mula sa Partido.

ARTIKULO IV. BALANGKAS AT MGA PRINSIPYO NG ORGANISASYON NG PARTIDO

Seksyon 1. Ang balangkas ng Partido ay ibabatay sa prinsipyo ng demokratikong sentralismo, ibig sabihi'y sentralismong nababatay sa demokrasya at demokrasyang napaiilalim sa sentralisadong pamumuno. Ang mga batayang kondisyon ay ang mga sumusunod:

a. Ang mga namumunong organo ng Partido sa lahat ng antas ay ihahalal at may pananagutan sa organisasyon o kumperensya ng Partidong naghalal sa kanila.

b. Matapos ang malaya at puspusang talakayan, ang mga desisyon ng Partido ay ipatutupad nang walang pagtatangi:
1) ang indibidwal ay napaiilalim sa organisasyon;
2) ang minorya ay napaiilalim sa mayorya;
3) ang nakabababang antas ay napaiilalim sa nakatataas na antas;
4) ang buong kasapian ay napaiilalim sa Komite Sentral at Pambansang Kongreso.
k. Ang mga namumunong organo ng Partido ay laging magbibigay ng masusing pansin sa mga ulat at palagay ng mga nakabababang organo ng Partido at ng masang kasapi ng Partido at laging patuloy na mag-aaral ng mga kongkretong karanasan at magbibigay ng maagap na tulong sa paglutas sa mga suliranin.

d. Ang mga nakabababang organisasyon ng Partido ay magbibigay ng mga regular at espesyal na ulat tungkol sa kanilang gawain sa organisasyong nakatataas sa kanila at maagap na hihiling ng tagubilin tungkol sa mga suliraning nangangailangan ng desisyon ng nakatataas na organisasyon ng Partido.

e. Lahat ng organisasyon ng Partido ay susunod sa prinsipyo ng kolektibong pamumuno at kolektibong pagpapasyahan ang lahat ng mahahalagang suliranin.

Seksyon 2. Ang isang organisasyon ng Partido ay itatatag batay sa dibisyong panteritoryo o larangan ng gawain.

a. Ang organo ng Partido na nangangasiwa sa gawain ng Partido sa isang teritoryo ang magiging pinakamataas na organo sa naturang teritoryo.

b. Ang organo ng Partido na nangangasiwa sa gawain ng Partido sa isang larangan ng gawain o sa isang organisasyong pangmasa ang magiging pinakamataas na organo sa naturang larangan ng gawain o organisasyong pangmasa.

Seksyon 3. Ang balangkas ng mga organisasyon ng Partido at ang mga namumunong organo nila ay ang sumusunod:

a. Para sa buong Pilipinas, ang buong kasapian ng pambansang organisasyon ng Partido, ang Pambansang Kongreso at ang Komite Sentral.

b. Para sa mga rehiyon, ang mga panrehiyong organisasyon ng Partido, ang mga kumperensyang panrehiyon at ang mga komiteng panrehiyon.

k. Para sa mga lalawigan, ang mga panlalawigang organisasyon ng Partido, ang mga kumperensyang panlalawigan at ang mga komiteng panlalawigan.

d. Para sa mga distrito, ang mga pandistritong organisa
syon ng Partido, ang mga kumperensyang pandistrito at ang mga komiteng pandistrito.

e. Para sa mga munisipalidad at mga subdistrito ng Maynila, ang mga seksyon ng Partido, ang mga kumperensyang panseksyon at ang mga komiteng panseksyon.

g. Para sa mga pabrika, minahan, plantasyon o asyenda, baryo, kalye, tanggapan, paaralan at mga lugar-panirahan, ang mga sangay ng Partido, ang mga pulong ng sangay at ang mga komiteng tagapagpaganap ng sangay.

Seksyon 4. Ang kataas-taasang pamunuan ng buong Partido ay ang Pambansang Kongreso; ang sa rehiyon, lalawigan, distrito at seksyon ay ang katugong kumperensya; at ang sa sangay ng Partido ay ang pulong ng sangay.

Sa pagitan ng mga pulong ng sangay, mga kumperensya ng Partido at mga pambansang kongreso, ang halal na komite ng Partido ang namumunong organo ng organisasyon ng Partido sa bawat antas.

Seksyon 5. Lahat ng namumunong organo ay ihahalal:

a. Ang Komite Sentral ay ihahalal ng Pambansang Kongreso.
b. Ang mga komite sa bawat antas ay ihahalal ng kumperensya ng Partido sa bawat kinauukulang saklaw.
k. Ang mga komiteng tagapagpaganap ng sangay ay ihahalal ng mga pulong ng sangay.

Ang Komite Sentral ang maghahanda ng mga pamantayan at pamamaraan ng halalan. Kung hindi ipinahihintulot ng kalagayan ang pagdaraos ng halalan, ang mga namumunong organo ng Partido ay hihirangin ng mga nakatataas na komite ng Partido.

Seksyon 6. Ang mga kagawad ng Komite Sentral ay dapat naging mga aktibong kasapi ng Partido nang hindi kukulangin sa tatlong taon.

Seksyon 7. Ang mga namumunong organo o mga kasapi nito ay maaaring buwagin o itiwalag ng mga organisasyon ng Partido na naghalal sa kanila o ng mga organo ng Partidong humirang sa kanila kahit hindi pa natatapos ang panahon ng kanilang panunungkulan.

Sa pagitan ng mga kumperensya ng Partido sa anumang antas, maaaring alisin ng nakatataas na komite ng Partido, kung itinuturing nitong kailangan, ang mga kagawad sa nakabababang organo ng Partido.

Seksyon 8. Ang pagtatatag ng isang bagong organisasyon ng Partido o ang pagbubuwag sa isang nakatatag na ay pagpapasyahan ng organisasyong kagyat na nakatataas dito.

Seksyon 9. Ang mga komite ng Partido mula sa panseksyon at panrehiyong organisasyon ng Partido ay magbubuo ng mga kagawaran, kawanihan, komisyon at iba pang kinakailangang organo alinsunod sa pangangailangan.

Seksyon 10. Ang mga organisasyon ng Partido sa anumang antas ay maaaring magdaos ng iba't ibang anyo ng pulong, seminar o kumperensya ng mga kadre at aktibong kasapi upang muling suriin o balangkasin ang kanilang gawain o talakayin ang mahahalagang desisyon ng nakatataas na organo ng Partido.

Seksyon 11. Bago pagpasyahan ng isang nakatataas na organo ng Partido ang isang patakaran, ang mga nakabababang organisasyon ng Partido ay maaaring malayang tumalakay sa usapin at maaaring magharap ng mga mungkahi sa namumunong organo ng Partido. Matapos gawin ang isang desisyon, sila ay dapat sumunod dito.

Gayunman, kung sa palagay nila'y hindi umaayon ang desisyon sa kalagayan ng isang lugar o larangan ng gawain, maaaring hilingin ang rekonsiderasyon sa desisyon. Kung paninindigan ng nakatataas na organo ng Partido ang desisyon nito pagkaraan ng karampatang rekonsiderasyon, ang mga nakabababang organisasyon ng Partido ay obligadong isagawa ito.

Seksyon 12. Ang Komite Sentral ang organong gagawa ng mga desisyon at maglalabas ng mga pahayag tungkol sa mga patakarang may pambansang katangian; bagamat ang mga nakabababang organisasyon at ang mga namumunong organo nila ay maaaring tumalakay sa mga usaping ito at inaaasahang magharap ng kanilang mga opinyon sa mga sentral na namumunong organo, sila ay may karapatang gumawa ng sariling desisyon at magpalabas ng mga pahayag tungkol lamang sa mga usaping lokal na saklaw ng kanilang teritoryo.

Seksyon 13. Lahat ng publikasyon ng Partido ay dapat magpalaganap ng mga desisyon at patakaran ng Partido.

Lahat ng organisasyon ng Partido ay dapat magpalaganap ng mga publikasyon ng Komite Sentral. Ang mga lokal na publikasyon ng Partido ay kinakailangang humingi ng pahintulot ng namumunong organo ng Partido na kagyat na nasa itaas ng mga ito.

ARTIKULO V. ANG SENTRAL NA ORGANISASYON

Seksyon 1. Ang Pambansang Kongreso ay tatawagin at idaraos ng Komite Sentral tuwing ikalimang taon, maliban kung ituturing na kailangan itong idaos pagkatapos o bago sumapit ang takdang panahon. Kung ang mayorya ng mga komiteng panrehiyon ng Partido ay pormal na hihiling na idaos ang kongreso, pagbibigyan ng Komite Sentral ang kahilingan.

Ang patalastas sa pagdaraos ng Pambansang Kongreso ay gagawin nang hindi kukulangin sa isang buwan bago ito idaos. Ang bilang ng mga delegado at ang paraan ng paghalal sa kanila ng mga nakabababang organisasyon ng Partido o pagpili sa kanila ng mga nakabababang organo ng Partido ay pagpapasyahan ng Komite Sentral.

Seksyon 2. Ang mga tungkulin at kapangyarihan ng Pambansang Kongreso ay ang mga sumusunod:

a. talakayin, pagtibayin, muling suriin o susugan ang Programa at Saligang Batas;
b. pagpasyahan ang linyang pampulitika ng Partido;
k. ihalal ang mga kasapi at kandidatong kasapi ng Komite Sentral at iba pang sentral na organo pagkaraang pagpasyahan ang kaukulang laki ng kasapian sa bawat organo;
d. tanggapin, talakayin at pagtibayin ang mga ulat ng Komite Sentral at iba pang sentral na organo; at
e. likhain kung kinakailangan ang mga sentral na organo bukod sa mga organong naitatag na.

Seksyon 3. Sa pagitan ng mga pambansang kongreso, ang Komite Sentral ang mamumuno sa buong gawain ng Partido, magpapatupad sa mga desisyon ng Pambansang Kongreso, gagawa ng mga kasalukuyang desisyon at lulutas sa mga kasalukuyang suliranin, magtatatag ng mga organo ng Partido at mamumuno sa kanilang mga aktibidad, mamamatnugot at mamamahagi ng mga kadre ng Partido at maagap na mag-uukol ng pansin sa mga paghahabol ng mga nakabababang organisasyon at mga indibidwal na kasapi sa mga kasong nauukol sa aksyong pandisiplina.

Seksyon 4. Ang Komite Sentral, sa plenum nito, ay maghahalal ng Kawanihang Pampulitika, ng Komiteng tagapagpaganap ng Kawanihang Pampulitika, ng Kalihiman, ng tagapangulo ng Komite Sentral at ng mga pangalawa nito, ng pangkalahatang kalihim at iba pang kalihim ng Komite Sentral.

a. Ang Kawanihang Pampulitika,kasama ng Komiteng Tagapagpaganap nito, ang magsasabalikat ng mga tungkulin at kapangyarihan ng Komite Sentral sa pagitan ng mga plenum.
b. Ang Kalihiman ng Komite Sentral ang mamamahala sa pangangasiwa at pang-araw-araw na aktibidad ng Partido sa pamumuno ng Kawanihang Pampulitika.

Ang bilang ng mga kagawad at kandidatong kagawad ng Kawanihang Pampulitika, ng Komiteng Tagapagpaganap at ng Kalihiman ay pagpapasyahan ng Komite Sentral. Kung may bakante, ito ay karaniwang pupunuan ng mga kandidatong kasapi.

Seksyon 5. Ang Komite Sentral ay maghahalal at magkakaron, bilang mga espesyal na organo nito, ng Komisyong Militar, ng mataas na paaralan ng Partido (ang Rebolusyonaryong Paaralan ng Kaisipang Mao Tsetung) at ng mga lathalaing sentral, bukod sa Kalihiman at sa mga kagawaran ng organisasyon at edukasyon niyon.

Seksyon 6. Ang plenum ng Komite Sentral ay tatawagin ng Kawanihang Pampulitika minsan bawat anim na buwan. Gayunman, ang Kawanihang Pampulitika o ang mayorya ng mga kagawad ng Komite Sentral ay maaaring magpasyang idaos ito nang maaga o lampas sa takdang panahon. Ang mga kagawad at kandidatong kagawad ng Komite Sentral ay dadalo sa plenum ngunit ang mga kandidatong kagawad, bagamat may karapatang magsalita, ay walang karapatang bumoto.

ARTIKULO VI. MGA ORGANISASYONG PANTERITORYO NG PARTIDO

Seksyon 1. Ang mga kumperensya ng panteritoryong organisasyon ng Partido ay regular na idaraos; sa mga rehiyon, minsan bawat tatlong taon; sa mga lalawigan at distrito, minsan bawat dalawang taon; at sa mga seksyon, minsan isang taon. Gayunman, ang mga kumperensya ay maaaring idaos anumang panahon batay sa desisyon ng nakatataas na organo ng Partido o batay sa petisyon ng mayorya ng mga nakabababang organo ng Partido.

Seksyon 2. Ang mga tungkulin at kapangyarihan ng mga kumperensya sa rehiyon, lalawigan, distrito at seksyon ay ang mga sumusunod:
a. tumanggap, tumalakay at magpatibay ng mga ulat na ginawa ng mga komite ng Partido at iba pang organo ng Partido sa gayon ding antas;
b. gumawa ng mga resolusyon tungkol sa mga suliraning pang-organisasyon at pampulitika; at
k. maghalal ng komite ng Partido pagkaraang pagpasyahan ang karampatang bilang ng mga kasapi.

Seksyon 3. Sa mga kaukulang plenum, bawat panteritoryong komite ng Partido ay maghahalal ng komiteng tagapagpaganap at kalihiman (kalihim at mga pangalawa nito). Ang kalihim ay mangungulo sa mga plenum, sa komiteng tagapagpaganap at sa kalihiman.

Ang mga komiteng panrehiyon ay magdaraos ng plenum minsan bawat anim na buwan; ang mga komiteng panlalawigan, minsan bawat tatlong buwan; ang mga komiteng pandistrito at panseksyon, minsan isang buwan.

Seksyon 4. Ang mga komiteng panrehiyon, panlalawigan, pandistrito at panseksyon ay tutupad ng mga desisyon ng mga nakatataas na organisasyon ng Partido, lilikha ng mga pansamantalang nakabababang organo ng Partido, mamamahala sa kanilang mga aktibidad at magtatalaga ng mga kadre ng Partido.

Seksyon 5. Ang mga komiteng panrehiyon, panlalawigan, pandistrito at panseksyon ay regular na tatawag bawat taon ng mga kumperensya sa mga gawain at pag-aaral na dadaluhan ng mga delegadong halal ng mga sangay ng Partido at grupo ng Partido sa mga organisasyong pangmasa. Ang mga kumperensyang ito ay may kapangyarihang magharap ng mga rekomendasyon tungkol sa gawaing pang-organisasyon at mga suliraning pampulitika sa mga namumunong organo ng Partido, laluna sa mga namumunong komite.

ARTIKULO VII. BATAYANG ORGANISASYON NG PARTIDO

Seksyon 1. Ang sangay bilang batayang organisasyon ng Partido ay itatatag saanman may di-kukulangin sa tatlong kasapi ng partido na sama-samang kumikilos bilang isang kolektibo, alinsunod sa pook ng paninirahan, pook ng gawain at pook ng pag-aaral. Itatalagang mga sangay ng Partido sa mga pabrika, minahan, plantasyon o asyenda, baryo, paaralan, kalye, tanggapan at mga pook ng pananahanan at sa bawat kompanya ng hukbong bayan. Kung sa mga nabanggit na lugar ay kulang sa tatlo ang kasapi, ang mga kasaping ito ng Partido ay papaloob sa pinakamalapit na batayang organisasyon ng Partido.

Seksyon 2. Kung lampas sa labinlima ang kasapi ng isang sangay ng Partido, ang buong kasapian ay hahatiin sa mga grupo ng sangay alang-alang sa kaligtasan, maliban kung ang sangay ay nasa rebolusyonaryong base. Ang bawat grupo ng sangay ay hindi kailanman palalampasin sa sampung kasapi.

Seksyon 3. Ang pinakapundamental na tungkulin ng batayang organisasyon ng Partido ay ang pagpapaunlad ng pinakamahigpit na ugnayan sa pagitan ng Partido at ng masa ng sambayanan. Ang mga pangkalahatang pananagutan ng sangay ay:

a. tumupad ng gawaing pampropaganda at pang-organisasyon sa hanay ng masa upang mapairal ang linya ng Partido at ang mga patakaran at desisyon ng mga nakatataas na organo ng Partido;
b. alamin sa masa ang kanilang mga mithiin at kahilingan, gumawa ng mga napapanahong ulat sa mga nakatataas na organo ng Partido, magbigay-patnubay at lumahok sa buhay-pampulitika, pang-ekonomia at pangkultura ng mamamayan.
k. mangalap ng tulong na materyal at moral para sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng Bagong Hukbong Bayan;
d. mangalap ng mga bagong kasapi ng Partido at mga Pulang mandirigma, mangolekta ng butaw ng mga kasapi ng Partido, magsuri ng mga ulat mula sa mga kasapi ng Partido at mangalaga sa disiplina at kaligtasan ng Partido sa hanay ng mga kasapi;
e. magbuo ng mga kurso sa pag-aaral para sa mga kasapi ng Partido at mamahagi ng mga lathalain ng Partido; at
g. magrekomenda ng mga kasapi ng Partido para sa pagsasanay na pangkadre sa Rebolusyonaryong Paaralan ng Kaisipang Mao Tsetung.
Seksyon 4. Ang mga pulong ng sangay ay idaraos kahit minsan lamang isang buwan. Ang mga ito ay dadaluhan lamang ng mga puno ng mga grupong pansangay kung sa pook na hindi matatag at walang proteksyon ay mahirap dumalo ang lahat ng kasapi ng sangay.

Ang mga pulong ng sangay ang maghahalal ng komiteng tagapagpaganap at kalihiman (kalihim at mga pangalawang kalihim) ng sangay at hihirang ng mga puno ng mga grupo ng sangay. Ang takdang panahong ipanunungkulan ng lahat ng ito ay isang taon.

Ang mga pulong ng sangay ang magpapatibay sa mga aplikasyon sa pagsapi sa Partido, tatanggap at tatalakay sa mga ulat ng mga kasapi at komite ng sangay, at mapagpapasya sa gawain ng buong sangay.

Seksyon 5. Ang isang kasapi ng Partido ay maaaring mapabilang sa dalawang sangay at magbayad ng butaw sa isa lamang bastat may pahintulot siya ng isang nakatataas na komite ng Partido. Ang isang kasapi ng Partido na lumilipat mula sa isang sangay tungo sa isa pang sangay ay magdadala ng pahintulot ng komite ng seksyong nakatataas sa sangay na kanyang panggagalingan.

ARTIKULO VIII. MGA GRUPO NG PARTIDO SA MGA ORGANISASYONG PANGMASA

Seksyon 1. Ang grupo ng Partido ay lihim na lilikhain sa bawat antas na maaari itong likhain sa mga organisasyon ng mga manggagawa at sa mga organisasyong pangmasa ng mga magsasaka, kabataan, estudyante, kababaihan, manggagawang pangkultura, propesyonal, tagayaring-kamay at iba pa na may di-kukulangin sa tatlong kasapi ng Partido. Kabilang sa mga pananagutan ng mga grupong ito ng Partido ang pagpapatupad sa mga patakaran at desisyon ng Partido, pagpapalakas sa pakikipagkaisa sa mga aktibistang di-kasapi ng Partido at pagpapaunlad ng mahigpit na ugnayan sa pagitan ng Partido at masa sa loob ng mga organisasyong pangmasa.

Seksyon 2. Ang mga kasapi ng Partido sa mga institusyong burges na malawak ang nasasakupan ay lihim ding magbubuo ng mga grupo ng Partido. Kabilang sa kanilang mga pananagutan ang pagpapatupad sa mga patakaran at desisyon ng Partido, pangangalap ng impormasyong mahalaga sa Partido, pagbubunyag sa mga kasalanan at kahinaan ng mga nagsasamantalang uri at pangangalap ng mga kasapi ng Partido mula sa hanay ng petiburgesiang lunsod.

Seksyon 3. Ang bilang ng kasapi sa mga grupo ng Partido ay itatakda ng mga komite ng Partido na namumuno sa kanila. Ang grupo ng Partido sa bawat antas ng mga organisasyong pangmasa ay magkakaroon ng kalihim at mga pangalawang kalihim.

Seksyon 4. Ang katayuan at mga karapatan ng mga grupo ng Partido sa Pambansang Kongreso at sa mga kumperensya ng Partido ay pagpapasyahan ng Komite Sentral.

ARTIKULO IX. ANG KAUGNAYAN NG PARTIDO SA BAGONG HUKBONG BAYAN

Seksyon 1. Ang Partido, sa pamamagitan ng Komisyong Militar nito sa ilalim ng Komite Sentral at sa pamamagitan ng mga kadre nito sa bawat antas, ay mamamatnugot at mamamatnubay sa Bagong Hukbong Bayan sa kongkretong praktika ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung at magpapaunlad ng mga pinakasulong na mandirigma upang maging kasapi ng Partido.

Seksyon 2. Ang Mga Alituntunin ng Bagong Hukbong Bayan ay kikilala sa ganap na liderato ng Partido at Komisyong Militar nito at magtatakda sa pagtatalaga ng mga pinunong pampulitika sa bawat sandatahang yunit ng Bagong Hukbong Bayan.

Seksyon 3. Ang Bagong Hukbong Bayan ang magiging pangunahing sandata ng Partido sa demokratikong rebolusyon ng bayan at sa susunod na yugtong sosyalista. Buong tibay na pinagbubuklod nito ang saligang alyansa ng uring manggagawa at uring magsasaka. Sa kanayunan, lilikha ito ng nagsasariling rehimen sa pamamagitan ng sandatahang pakikibaka, rebolusyong agraryo at mga baseng bukid.
Seksyon 4. Isang sangay ng Partido sa bawat kompanya at isang grupo ng Partido sa bawat iskwad ang itatatag sa loob ng Bagong Hukbong Bayan. Ihahalal ang mga namumunong komite mula sa antas ng sangay hanggang sa pinakamataas na pormasyong militar.

Seksyon 5. Ang Bagong Hukbong Bayan ay magbubuo ng tatlong pangunahing anyo ng sandatahang puwersa: mga regular na puwersang makilos, mga yunit ng gerilya at mga yunit ng milisya o ng pananggol sa sarili. Ito ay magiging pwersa sa pakikibaka, sa propaganda at sa produksyon.

Seksyon 6. Pauunlarin ng Partido ang pinakamahigpit na ugnayan sa pagitan ng hukbo at sambayanan, ng Partido at hukbo, at ng mga pinuno at mga kawal batay sa rebolusyonaryong diwang proletaryo.

Seksyon 7. Mahigpit na susundin ng Bagong Hukbong Bayan ang Tatlong Pangunahing Alituntunin ng Disiplina at Walong Bagay na Dapat Tandaan:
Ang Tatlong Pangunahing Alituntunin ng Disiplina ay:

1. Sumunod sa mga kautusan sa lahat ng iyong kilos.
2. Huwag kumuha ng kahit na isang karayom o hibla ng sinulid mula sa masa.
3. Mag-entrega ng lahat ng nasamsam.
4. Ang Walong Bagay na Dapat Tandaan ay:
5. Maging magalang sa pananalita.
6. Magbayad ng karampatang halaga sa iyong binibili.
7. Magsauli ng lahat ng iyong hiniram.
8. Magbayad sa lahat ng iyong nasira.
9. Huwag manakit o mang-alimura ng tao.
10. Huwag manira ng mga pananim.
11. Huwag magsamantala sa mga babae.
12. Huwag magmalupit sa mga bihag.

ARTIKULO X. ANG PANANALAPI NG PARTIDO

Seksyon 1. Ang Partido ay tutustusan ng mga butaw sa pagsapi at regular na butaw ng mga kasapi, ng mga produktibong gawain ng Partido at ng mga walang kondisyong kontribusyon.

Seksyon 2. Ang mga maralita ng lunsod at bukid ay magbabayad ng takdang buwanang butaw na limampung sentimo.

Seksyon 3. Ang sinumang nagnanais pumasok sa Partido ay pagbabayarin ng butaw sa pagsapi na katumbas ng halaga ng isang buwang butaw. Ang mga butaw ay babayaran nang buwanan at katumbas ng dalawa't kalahating porsiento ng kabuuang kinikita ng kasapi.

Gayunma'y maaaring baguhin ang pagbabayad ng butaw batay sa mga indibidwal na kalagayan katulad ng pagbabagu-bago ng kita, mas malaki o mas mababang kita, o mas malaking pangangailangan ng pamilya.

Seksyon 4. Maaaring ipataw ang mga natatanging buwis sa kasapi sa kapahintulutan ng kinauukulang komite ng Partido.

Seksyon 5. Ang mga kasapi ng Partido na nagkaroon ng trabaho sa tulong ng Partido sa mga tanggapan sa labas ng Partido ay magbibigay ng kanilang kita sa Partido at tatanggap ng halagang pagpapasyahan ng Partido ayon sa regulasyon at sa pangangailangan ng mga kasapi.

Seksyon 6. Ang Komite Sentral ay tatanggap ng walumpung porsiento ng mga butaw sa pagsapi, butaw ng mga kasapi at iba pang buwanang kita at siyang maghahati-hati ng halaga para sa mga komite sa iba't ibang antas. Ang dalawampung porsiento ay maiiwan sa sangay ng Partido.




ARTIKULO XI. MGA SUSOG AT NATATANGING KALAGAYAN

Seksyon 1. Ang Saligang Batas na ito ay sususugan sa pamamagitan ng simpleng mayorya ng Pambansang Kongreso.

Seksyon 2. Kung ang Partido o anumang organisasyon ng Partido ay hindi makaiiral nang ganap na alinsunod sa Saligang Batas na ito dahil sa mga natatanging kalagayan, ang mga anyo ng organisasyon at mga paraan ng paggawa nito ay pagpapasyahan ng Komite Sentral o ng Kawanihang Pampulitika.

PINAGTIBAY NG KONGRESO NG MULING
PAGTATATAG NG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS
Disyembre 26, 1968

Comments

Popular posts from this blog

May 27, 2017